Wednesday, 5 February 2014

Unang Hirit Recipe- Pinais na Alimasag

Unang Hirit #KitchenHirit of the day: Pinais na Alimasag with Chef Hazel Santiago.

Ingredients:
  • alimasag
  • buko
  • bawang
  • luya
  • sibuyas
  • siling panigang
  • red bell pepper
  • gata ng niyog
  • dahon ng saging
  • mantika
  • patis
  • asin
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Ilaga ang mga alimasag, palamigin at himayin.
2. Igisa ang bawang at sibuyas sa loob ng isang minuto. Idagdag ang siling panigang, red bell pepper at kinayod na laman ng buko. At muling pakuluin sa loob ng isang minuto.
3. Ibuhos ang gata ng niyog at muling pakuluin hanggang sa maging malapot ang gata.
4. Idagdag ang hinimay na laman ng alimasag.
5. Timplahan ng asin at paminta.
6. Pag luto na ang crab mixture, hanguin ito at muling ipalaman sa shell.
7. Balutin mabuti ang bawat shell sa dahon ng saging.
8. Ihawin ito sa loob ng dalawang minuto.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes