Saturday, 22 February 2014

Unang Hirit Recipe- Menudo with Love

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 21, 2014: Menudo with Love with Love Añover.

Ingredients:
  • pork kasim
  • atay ng baboy
  • sweet style tomato sauce
  • carrots
  • patatas
  • hotdog
  • toyo
  • tubig
  • kalamansi
  • kamatis
  • liver spread
  • sibuyas
  • bawang
  • dahon ng laurel
  • asin
  • paminta
  • pasas
  • mantika
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Timplahan ang hiniwang baboy, toyo, bawang at sibuyas. Itabi ito sa loob ng 30 minuto hanggang 1 oras.
2. Sa kawali, igisa ang sibuyas, bawang at kamatis.
3. Idagdag ang tinimplahang baboy at lagyan ng liver spread.
4. Pakuluan ito sa loob ng 5 hanggang 7 minuto.
5. Idagdag ang tomato sauce, tubig at dahon ng laurel.
6. Hayaan itong kumulo hanggang sa maluto ang baboy.
7. Ilagay ang pasas, carrots, patatas, atay at hotdog.
8. Timplahan ng asin at paminta. Muling pakuluin sa loob ng limang minuto.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes