Tuesday, 5 November 2013

Unang Hirit Recipe- Lumpiang Hubad

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe of the Day- November 5, 2013: Lumpiang Hubad with Chef Rhafael Dalagan.

Ingredients for Lumpiang Hubad:
  • Baguio beans
  • Carrots
  • Celery
  • Kamote
  • Singkamas
  • Garbanzos
  • Repolyo
  • Baboy/manok/hipon
  • Broth
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Asin
  • Paminta
  • Mantika
Ingredients for Lumpia sauce:
  • Toyo
  • Asukal
  • Harina
  • Tubig
  • Paminta
  • Mani
  • Bawang
Photo and recipe crdit: Unang Hirit

Procedure:

Lumpiang Hubad:
1. Igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang hiniwang baboy at manok. Hayaang maluto sa loob ng 3 minuto.
2. Ilagay ang carrots, kamote at chicken broth. Hayaan ito kumulo hanggang sa maluto ang mga gulay.
3. Idagdag ang ibang gulay bukod sa repolyo. Dagdagan ito ng sabaw at timplahan ng asin at paminta.
4. Hayaang pakuluin sa loob ng 5 minuto.
5. Patayin ang kalan at idagdag ang hiniwang repolyo. Itabi ang nilutong gulay.

Lumpia sauce:
1. Pagsama-samahin sa isang kawali ang mga sahog maliban sa mani at bawang.
2. Pakuluin itong hanggang sa maging malapot ang sarsa.
3. Tanggalin sa apoy ang sarsa at isama ang bawang.
4. Iibabaw ang sarsa nalutong lumpiang hubad.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes