Saturday, 30 November 2013

Unang Hirit Recipe- Chicken Galantina

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- November 29, 2013: Chicken Galantina with Chef Jonathan Mirandilla

Ingredients:
  • manok
  • giniling na baboy
  • patatas
  • hotdog
  • bell pepper
  • carrot
  • sibuyas
  • pasas
  • asin
  • paminta
  • bread crumbs
  • lemon juice
  • toyo
  • itlog
  • longganisa
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Pagsama-samahin ang giniling na baboy, patatas, hotdog, bell pepper, carrot, sibuyas, pasas, asin at paminta.
2. Dagdagan ito ng bread crumbs at muling haluin.
3. Sa hiwalay na mixing bowl, pagsamahin ang lemon juice at toyo.
4. Ibabad ang buong manok sa pinagsamang lemon juice at toyo sa loob ng 30 minutes.
5. Pag nababad na nang mabuti ang manok, hanguin ito at palamanan ito ng pork at vegetable mixture. 
6. Bukod sa pork at vegetable mixture, lagyan rin ito ng mga nilagang itlog at longganisa.
7. Balutin ng malinis na tela ang buong manok at saka itali upang maisara ito.
8. Lutuin ito sa steamer sa loob ng 1 1/2 oras.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes