Friday, 4 October 2013

Unang Hirit Recipe- Fish Kare-Kare

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe of the Day- October 3, 2013: Fish Kare-Kare with Chef Kia Del Rosario.

Ingredients:
  • Bawang
  • Sibuyas 
  • Fish stock
  • Puso ng saging
  • Pechay
  • Asin
  • Paminta
  • Itlog
  • Bread crumbs
  • Lemon juice
  • Mantika
  • Bagoong
  • Durog na bigas at mani
  • Talong
  • Sitaw
  • Harina 
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Ihalo ang ginisang bawang at sibuyas sa fish stock o tubig na sakto lamang para maging malapot.
2. Habang niluluto, timplahan ng kaunting asin para magkalasa.
3. Ilagay ang puso ng saging kapag kumulo at isunod ang durog na bigas at mani.
4. Tuluy-tuloy na haluin hanggang sa lumapot ang sabaw.
5. Kapag lumapot na, ilagay una ang talong.
6. Isunod ang sitaw at pinakahuli ang pechay bago lamang patayin ang apoy.
7. Lutuin ang isda na nakahiwang strips pang-fillet. Lagyan ang isda ng asin, paminta at kaunting lemon juice.
8. Balutan ng manipis na layer ng harina sabay isawsaw sa itlog at balutan ng bread crumbs.
9. Ayusin ang fish fillet sa ibabaw ng kare-kare at buhusan ng kaunting sauce.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes