Thursday, 19 September 2013

Unang Hirit Recipe- Chicken Asado with Sunshine Dizon

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe of the Day-September 19, 2013: Chicken Asado with Sunshine Dizon.

Ingredients:
  • Manok
  • Calamansi o lemon juice
  • Toyo
  • Butter
  • Tomato sauce
  • Sibuyas
  • Dahon ng laurel
  • Patatas
  • Asin
  • Paminta
  • Mantika
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Timplahan ang mga piraso ng manok ng asin at paminta.
2. Sa isang kawali, iprito ang tinimplahang manok at saka itabi.
3. Sa hiwalay na kawali, igisa ang sibuyas sa butter.
4. Idagdag ang dahon ng laurel at hayaang maluto sa loob ng isang minuto.
5. Ilagay ang tomato sauce at muling pakuluin.
6. Dagdagan ng toyo at lemon juice. Haluin ito hanggang sa mag-combine ang lasa. Pakuluin sa loob ng 5 hanggang 7 minuto.
7. Isama ang mga prinitong manok sa sarsa at muling pakuluan ng 10 minuto.
8. Ihalo ang hiniwang patatas at muling pakuluin ng 7 hanggang 12 minuto.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes