Tuesday, 20 August 2013

Unang Hirit Recipe- Sinabawang Afritada

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe of the Day- August 20, 2013: Sinabawang Afritada with Chef Jerwyn Rabo

Ingredients:
  • Chicken leg at thighs
  • Mantikilya
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Tomato paste
  • Tomato sauce
  • Soy sauce
  • Pork sausage
  • Patatas
  • Carrots
  • Red bell pepper
  • Green bell pepper
  • Yellow bell pepper
  • Asin
  • Paminta
  • Asukal
  • Siling labuyo
  • Chicken stock 
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Lutuin ang nahiwang manok sa kawali at ihalo ang pork sausages, nahiwang mga bell pepper at siling labuyo. Igisa ng 5 minuto saka itabi.
2. Ilagay ang mantikilya sa pinag-gamitang kawali at igisa ang bawang at sibuyas. Haluan ng tomato paste at iluto ang paste para mabawasan ang asim at hilaw na lasa nito.
3. Lagyan ng tomato sauce, toyo at chicken stock para maging sinabawan.
4. Ibalik ang manok na sangkap sa kawali at ihalo ang patatas at carrots hanggang itong lahat ay lumambot at maluto.
5. Para madagdagan ang lasa mag lagay ng asukal.
6. Budburan ng asin at paminta.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes