Sunday, 11 September 2011

Baguio Budget Buffet in Pop Talk

Samahan si Tonipet Gaba at ang Pop Talk team sa isang food trip sa City of Pines, Baguio City! Makakasama niya ang food expert at first Kitchen Superstar na si Ting Lledo, ang Pop Talk fan reviewer na si Carlos Miguel ng Porac, Pampanga, at ang celebrity reviewer at sexy comedienne na si Alyssa Alano. Hahalughugin nila ang City of Pines para sa pinaka- affordable buffets!

Lalantakan nila ang breakfast handaan ng Hotel Veniz Café sa Abanao Street, ang City Light Hotel sa General Luna Street para sa pananghalian, at ang Kamayan sa Home of Native Lechon Cebu sa Sophia De Veyra Street sa Quezon Hill para naman sa busog to the max na hapunan.

Aling buffet below P300 ang papatok sa panlasa ng mga reviewers?

Isang pasalubong showdown naman ang haharapin ni Boobay–ano ang mas gustong iuwi ng mga turista, ang peanut brittle o choco flakes?

Alamin ang mga ‘Pop’ ng ating panahon. Makisama, maki-review sa Pop Talk ngayong Martes, 13 September 10PM sa GMANewsTV!


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes