Tuesday, 29 July 2014

Unang Hirit Recipe- Pocherong Ulo ng Maya-Maya

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Pocherong Ulo ng Maya-Maya with Chef Dino Ferrari.

Ingredients:
  • ulo ng maya-maya
  • saging na saba
  • bawang
  • sibuyas
  • tubig
  • tomato sauce
  • tomato ketchup
  • patatas
  • carrots
  • pork and beans
  • brown sugar
  • green peas
  • margarine
  • patis
  • asin at paminta
  • mantika
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Igisa ang bawang, sibuyas at green peas.
2. Lagyan ng tubig, tomato sauce, at ketchup.
3. Timplahan ng asukal, patis at paminta.
4. Ilagay ang pork and beans.
5. Isunod ang ulo ng maya-maya.
6. Idagdag ang saba at patatas.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1ArSyQs

Saturday, 26 July 2014

Unang Hirit Recipe- Pusit Steak (Pustek)

Unang Hirit KitchenHirit Recipe: Pusit Steak (Pustek) with Chef Dino Ferrari.

Ingredients:
  • pusit
  • toyo
  • lemon o calamansi
  • pamintang durog
  • bawang
  • sibuyas
  • mantika
  • asin
Photo and Recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Ibabad ang pusit sa toyo, lemon o kalamansi, at pamintang durog ng isang oras.
2. Maggisa ng sibuyas.
3. Sa parehong kawali, iprito ang pusit hanggang sa maging brown; isantabi.
4. Maggisa ang bawang.
5. Isama ang marinade at tinta ng pusit; pakuluin.
6. Ilagay ang piniritong pusit at pakuluan ng 15-20 minuto hanggang sa lumambot.
7. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
8. Idagdag ang piniritong sibuyas; timplahan ng asin.

Unang Hirit Recipe- Sinigang Pork Spare Ribs sa Bayabas

Unang Hirit #KitchenHirit Recipe: Sinigang Pork Spare Ribs sa Bayabas with Kusina Master Chef Boy Logro. 

Ingredients:
  • 1 kilo spareribs ng baboy
  • 1 kilo ng hinog na bayabas
  • 3 pcs kamatis, hiwain
  • 2 pcs sibuyas, hiwain
  • 2 pcs siling panigang
  • ½ baso ng calamansi juice
  • 2 tali ng kangkong
  • 2 pcs talong
  • 1 tali ng sitaw
  • ¼ baso ng patis
  • 1 tsp asin
  • 1/2 tsp paminta
Photo and Recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Pakuluan ang pork spareribs hanggang lumambot.
2. Ilagay sa blender ang mga hinog na bayabas.
3. Idagdag ang nadurog na bayabas.
4. Isunod ang mga gulay (sitaw, talong, kamatis, sibuyas, siling panigang).
5. Lagyan ng patis, asin at paminta ayon sa panlasa.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1qUOEZV

Friday, 25 July 2014

Unang Hirit Recipe- Suam na Mais sa Manok

Unang Hirit KitchenHirit Recipe: Suam na Mais sa Manok with Chef Dino Ferrari.

Ingredients:
  • mais na puti
  • manok
  • okra
  • carrots
  • saluyot
  • chicken broth
  • bawang
  • sibuyas
  • mantikilya
  • asin
  • paminta
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Igisa ang sibuyas at bawang
2. Idagdag ang manok hanggang sa maging golden brown
3. Ilagay ang mais at pakuluin sa chicken broth; timplahan ng asin at paminta.
4. Idagdag ang carrots at okra; muling pakuluin sa loob ng 10 minuto.
5. Lagyan ng saluyot at pakuluin.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1A8jAMA

Thursday, 17 July 2014

Unang Hirit Recipe- Pinatolang Buto-buto

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Pinatolang Buto-buto with Chef Redd Agustin.

Ingredients:
  • buto-buto ng baka
  • patola
  • sibuyas
  • luya
  • tanglad
  • beef cubes
  • siling panigang
  • dahon ng sibuyas
  • hugas bigas
  • patis
  • paminta

Procedure:
1. Igisa ang buto-buto sa sibuyas at luya.
2. Ilagay ang hugas bigas; pakuluin ng 1-2 oras.
3. Idagdag ang beef cubes.
4. Timplahan ng paminta at patis.
5. Ilagay ang patola.
6. Idagdag ang tanglad, siling panigang, at dahon ng sili.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1sqkx0o

Thursday, 10 July 2014

Unang Hirit Recipe- Pinais na Bangus

Unang Hirit KitchenHirit Recipe: Pinais na Bangus with Chef Xander Christopher

Ingredients:
  • bangus
  • tubig
  • sibuyas
  • kamatis
  • luya
  • kamias
  • mustasa
  • asin
  • paminta
  • dahon ng saging
  • dahon ng pandan
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Kaliskisan at linisan ang mga bangus. Asinan at itabi.
2. Pagsama-samahin ang kamatis, sibuyas, luya, asin at paminta sa isang lalagyan. 
3. Ipalaman ang mga sahog sa bangus at ibalot sa dahon ng pandan at saging.
4. Ilagay ang bangus pati ang natirang kamatis at sibuyas sa isang kawali.
5. Idagdag ang kamias at mustasa. Timplahan ng asin.
6. Lagyan ng tubig upang hindi manikip ang isda.
7. Takpan at pakuluin sa loob ng 40 minutes o hanggang sa maging kaunti ang sabaw.
8. Tanggalin ang mga dahon at ilipat sa serving plate.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1rUVPVF

Saturday, 5 July 2014

Unang Hirit Recipe- Fish Curry with Kalabasa

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Fish Curry with Kalabasa with Chef Dino Ferrari.

Ingredients:
  • tilapia fillet
  • kalabasa
  • sitaw
  • bawang
  • sibuyas
  • luya
  • sili
  • gata ng niyog
  • patis
  • curry powder
  • asin
  • paminta
  • tubig
  • mantika
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Maggisa ng bawang, sibuyas, luya at sili; timplahan ng asin at paminta.
2. Lagyan ng curry powder.
3. Idagdag ang kalabasa, gata at tubig; pakuluin.
4. Ilagay ang sitaw at isda. Lutuin sa loob ng 2-3 minuto.
5. Timplahan ng patis at paminta.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1rqZYk5

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes